Kayod-kalabaw si Divina para sa pamilya. Ang kanyang pangarap sa buhay ay ang makatagpo ng isang lalaking mag-aahon sa kanya sa kahirapan. Inakala niyang natagpuan na niya iyon nang makilala ang bagong amo na si Marios—isang lalaking guwapo at matalino, pero may track record sa pagiging tanga at kalahati sa pag-ibig, malas sa usaping-pampuso at dalang-dala na kaya wala nang balak pang lumagay sa tahimik. Malinaw iyon kay Divina. Kasal ang gusto niya at nunca siyang papayag sa kaswal na relasyong tanging kayang ialok ni Marios.