Kinasusuklaman ni Maxine ang mga lalaking tulad ni Leandro Villarica, mga lalaking nagsasamantala at naglalaro sa mga mahihinang babae. Oh, yes, he was rich and gorgeous, mga katangiang sapat upang sambahin ito ng mga babae. Pero hindi siya. Magyeyelo na muna sa impiyerno bago siya maging biktima nito.
Having Maxine in his house was pure hell! Kung alam lang nito ang kababalaghang nagaganap sa katawan niya tuwing tititigan siya nito. Pero kinasusuklaman siya nito, which made him want her all the more. Pero paano ito mapapasakanya nang hindi kailangang mabanggit ang salitang “kasal”?